23 July 2006

part 2
Ibon

Sa tagal kong pananatili sa gitna ng malawak na soccer field, at sa pananabik na maging malaya, ay tumayo akong palundag, at sa sandaling iyon ay naramdaman kong may lumabas sa aking likuran, na biglang bumigat ang aking katawan at nawalan ng balanse. Pero gumaan din ito bigla, na parang hindi na nakatapak sa lupang natabunan ng luntiang halaman ang aking mga paa. Naramdaman kong pumalibot sa akin ang malamig na haingin na parang buhawi, na ang mga damo ay naistorbo mula sa kanilang tahimik na pagyuko. Hinaplos ng simoy ng hangin ang aking maputlang mukha, at unti-unti ko nang natanaw ang mga puting ulap na lumalapit.

Magaan, malamig – ganyan ang pakiramdam nang nakalusot ka sa makapal na ulap. Ako ay parang naging bata uli, at pinaglaruan ang mga ulap – iniihip-ihip, tinatabuy-taboy, tinutusuk-tusok. Malaya ako na walang nakahadlang.

Ang aking paglalaro ay natigil nang napansin ko ang isang grupo ng mga ibong naka-“V.” Sa galak na makasama sa kanilang paglakbay, ay linapitan ko agad sila at sumama sa likod ng kanilang formation. Hindi rin ito naging madali dahil iyon pa lang ang aking naging unang pagkakataon. Nang lumapit ako ay napakalakas na hangin ang tumama sa akin, at kinailangan kong sumunod sa kanilang bilis. Medyo matagal pa bago ako nasanay sa kanilang ginawa. Pero nang nasanay na ako, ay naging madali na rin ito.

Talagang masaya. Masayang-masaya. Sa wakas ay naging malaya na rin ako.
Walang hadlang…

* * *

Binuksan ko ang aking mga mata, at nadiskubre kong ako ay nakahiga pa rin sa damo sa soccer field. Panaginip lang pala. Nalungkot ako nang konti dahil akala ko totoo na talaga, pero nasiyahan din dahil parang naramdaman ko na rin ang aking gustong maramdaman.

Siguro, tatanaw na lang muna ako sa mga ibon. Mula sa bilog na mundo na aking kinatatayuan (kinahihigaan), ay mamasdan ko lang muna ang mga lumilipad-lipad na ibon.

Masaya pa rin naman ang buhay.

21 July 2006

Phew...

I can't believe that I spent so much time just to renovate tis blog...
Well, you could visit Sir Aris' blog which i just found recently...it's full pictures of his adventures around the world...hehehe

and btw, second part is coming soon...maybe tomorrow...it's late na kasi eh...