Kahit pilit na lumalayo, hindi pa rin mawala. Kahit anong hugot sa mga tinik, ay lalo pang sumasakit. Kahit ano pang takip ng ilong, lumulusot pa rin ang halimuyak.
Nakatingin pa rin sa walang hanggang kalangitan, tinatanaw ang bawat gahiganteng ulap, iniiwasan ang nakakabulag na sikat ng araw. Pero ang sinag, nariyan pa rin. Ang init, humahaplos pa rin sa aking kayumangging balat. Siyang, nagbibigay buhay sa lahat nangg nilalang sa mundo, pwera multo. Sa siyensya nga, sa mas simple na eksplinasyon, sa tulong ng araw, nagkaroon ng mga halaman. Ang mga halaman naman ang siyang nagbigay ng hangin na ating nalalanghap, nakatulog man o gising.
Mahirap makakita kung wala ang araw. Hindi tayo nakakakilos ng maayos. Nagiging indecisive na tayo, o 'di kaya'y marahan ang ating pagkilos. Walang pumapatnubay sa ating mga ginagawa.
Pag binabalewala mo naman ang kapangyarihan ng Haring Araw, naaapektuhan din ang iba (global warming ba?), at nasasaktan mo ang iyong sarili. Naaagrabiyado, hindi ang ikaw, pati na ang iyong mga dapat gawin.
Sinisira mo ang iyong kinabukasan.
Kaya nga, hindi lang natin dapat isipin ang ating sarili, pero pati na rin ang iba. Kung pinapahalagahan mo nga sila, ay dapat isawasto ang iyong mga ginagawa at iniisip. Kahit masakit, kung wala naman talagang ginagawang masama, ay hindi tayo dapat maging makasarili.
Kung mahalaga nga sila, isipin dapat ang kanilang kaligayahan.
Ito ang isa sa mga pinakamahalaga na ibinahagi ng Diyos sa atin. Ito ay ibinahagi Niya sa ating lahat. Ibahagi rin natin ito sa mga tao sa paligid natin. Walang hanggan, kung ito ay ating pagiingatan.
Kaya, dapat, sa Kanya rin ito ibabalik