23 June 2006

First of I don't know how many parts

57, 58, 59...

Matagal-tagal na rin akong nakapuwestong nakahiga sa gitna ng malawak na soccer field – nakatunganga sa kalangitan at tinatanaw ang bawat ibong may layang lumipad sa asul na kalangitan, isa-isang binibilang. Kahit na ang layo nila, may kasiyahang naidulot ito sa akin. Kahit di mo masyadong makita sila nang malapitan, parang malalaman mo ang kanilang gustong ipahiwatig, ang kanilang nararamdaman. Kahit na wala silang may sinasabi, nakukuha mo ang kanilang ibaig sabihin. Kahit na hindi nagkikita ang inyong mga mata, nakikita mo ang kanilang katauhan.

Nakakabighani. Kahit sa konting sandali na nakita ko ang mga ibong dumaan sa itaas, marami na akong nakuha. Isa na riyan ay hindi mo matiwalag ang mga ibon. Meron daw siyentipikong dahilan kung bakit ang mga ibon ay nagsasama-sama at karaniwang nag-leletrang “V” ang hugis. Ang pagtitipon daw nila at pag hugis ng “V” ay nakakatulong upang manatili ang balanse at bilis nila sa paglipad. Mas mahirap daw lumipad kapag ang ibon ay nag-iisa lamang. Kaya pala wala akong nakitang ibong nag-iisa, at kung meron man, kokonti lamang. Ika nga, aerodynamics ng paglipad ng mga ibon. Kahit mga hayop pala may alam din sa agham ng kanilang laging ginagawa.

Pero kahit nakikita mo sila, di ka nila napapansin. Kumaway ka man, sumigaw, sumayaw, o tumalon, wala pa rin. Malayo nga, eh. Kahit na nakatutok kang nakatingin sa kanila, parang wala lang. Patuloy pa rin sila sa paglakbay, sa pagtahak sa daan sa ibabaw. Kaya nga nariyan ka lang sa ilalim, nakatingin sa bawat malumanay na hampas ng kanilang pakpak.

Sana malaya rin ako, parang ibon...


Photo from http://jigsaw.w3.org/Yves/BW/

Coming VERY soon...

Watch out for
"Hindi ba Talaga Nakakaramdam ng Pag-ibig ang Isang Teenager?"
...